January 26, 2009
Wika Mo, Wikang Filipino, Wika ng Mundo, Mahalaga
Ang paggamit ng iba’t-ibang lenguwahe o dayalekto sa ating bansa ay isang patunay na mayaman tayo sa kultura. Ipinapahayag natin ang pagkakaroon ng kalayaan sa paggamit ng wikang kinabibilangan at kinasasanayan. Alam nating lahat na ang bansang Pilipinas ay nahahati sa tatlong pulo; ang Luzon, Vizayas at Mindanao. Lubhang napakalaki kung susuriin ang ating bansa kung kaya tayo’y nagkakaroon ng iba’t-ibang dayalekto tulad ng Iloko, Cebuano, Pangasinense, Ibanag at iba pa. Mahirap abutin ang pagkakaroon ng pagkakaisa kung tutuusin, subalit dahil sa pambansang wika – ang FILIPINO- ating makamit ang walang dudang kaunlarang pangkabuhayan, kapayapaan at pambansang pagkakaisa na ating minimithi.
Tignan na lamang natin ang bansang Hapon. Kung ating ikukumpara sa ating kabuhayan walang dudang mas angat sila pagdating sa kabuhayan. Sila ay isa sa mga bansang nangunguna sa mundo sa larangan ng teknolohiya. Bukod sa sila ay masipag at malikhain, lubos nilang ginagamit ang NIPONGGO ang kanilang pambansang wika. Kahit na Ingles ang pangunahing lenguwahe sa mundo kanilang pinagyayaman ang wika nila upang lubos na mapagpatibay ang kanilang pag-uunawaan na siyang nagsisilbing isa sa mga pangunahing dahilan ng kanilang pag-unlad.
Kung tutuusin, kaya nating higitan ang mga Hapon. Higit na masipag at malikhain ang mga Pilipino. Bukod pa rito, sagana ang ating bansa sa mga likas na yaman. Pero dahil sa kakulangan ng pondo ang ating bansa, tayo ay nahuhuli pagdating sa pag-angat ng ekonomiya. Pero hindi ito nagiging sagabal sa pagkamit ng kaunlaran bagkus nagsisilbi itong inspirasyon sa atin para pag-ibayuhin ang wikang Filipino. Pagsikapan natin itong patatagin at pahalagahan sapagkat ito ay MAHALAGA. “WIKA MO…WIKANG FILIPINO…WIKA NG MUNDO…MAHALAGA.”
by Mark Anthony C. Pascual
Guests
Archives
-
▼
2009
(18)
-
▼
January
(14)
- Laurent at Jamie Ann, itinanghal na Ginoo ant Bini...
- Wika Mo, Wikang Filipino, Wika ng Mundo, Mahalaga
- Thoughts on the Christ the King Celebration
- The School Logo
- Aking Aklat
- Mundo ng Basura
- Kapaligiran
- SAA Intramurals 2008
- SAA Multi-Purpose Hall groundbreaking ceremenory
- Bishop Utleg spearheads Bike for Ecology 2008
- Fr. Joel Castillo leads waste management campaign
- Ildefonzo-Lorenzo crowned Mr. & Ms. Instrams 2008
- 23 brand new computer units purchased
- Themes of Friendship and Sacrifice, Not Prejudice,...
-
▼
January
(14)
Index
St. Anne's Blog List
-
ALL SOULS' DAY: Beyond Today10 years ago
No comments:
Post a Comment