Showing posts with label Poetry. Show all posts
Showing posts with label Poetry. Show all posts

January 22, 2009

Aking Aklat

Ang aking aklat ay napakahalaga
Binabalot ko pa ito ng pangangalaga
Inaalagaan ko ito ng may paghanga
Dahil aral dito ay kumukuha.
Maraming bagay akong natutunan
Kapag binasa ito at pinagyaman
Marami akong matutuklasan
Na hinding-hindi ko malilimutan.

by Dianna Raquel Fabian, II-Hope

Mundo ng Basura

Sa mundong puno ng basura puno rin ng pangamba.
Taong walang tiyaga, kapaligiran ay baliwala.
Ngunit hindi alintala, sa basura'y makikita,
Bote, karton at lata, mga bagay na may halaga.
Ang mga taong maralita, ang buhay ay basura.
Madilim pa ay tulak na ang kariton sa kalsada.
"Bote! Dyaryo!", ang sigaw niya, tinig na parang musika.
Bote, lata ang gitara, karton naman ang tambol niya.

by Ransie Grace D. Plaza, IV-LOVE

Kapaligiran

Ang ating kapaligiran ay biyaya ng Diyos
Ating pagyamanin at mahalin nang lubos
Ingatan natin baka ito’y maubos
Dahil baka sa huli tayo’y maging kapos.

Iwasang magputol ng puno sa gubat
Huwag magtapon ng basura sa ilog o dagat
Maglinis palagi na siyang nararapat
Ating bigyang suportang lubos at sapat.

Oh, kapaligiran kay rikit mong panoorin
Simoy ng hangi’y kay sarap langhapin
Tinig ng ibo’y kay tamis dinggin
Kasabay ng tubig na kay lamig sisirin.

Kaya mahal kong kababayan
Ating igalang at huwag hayaan
Kapaligiran nating ubod ng yaman
Tungo sa ikauunlad n gating bayan.

by Rosalyn Jaballa, II-Hope